Ano ang Matinding Init?

Ang isang kaganapan ng matinding init ay umaabot ng dalawang araw at gabi na hindi pang karaniwan ang init sa iyong rehiyon. Ang California ay nakakaranas ng madalasang matinding init na nag dudulot ng mas malaking panganib sa mga Californians mula sa mga sakit na dala ng init.

Paano Manatiling May Alam

Tingnan ang mga lokal na balita at mga kaalaman para sa taya ng panahon, babala sa matinding init, at mga cooling centers.

Mag hanap ng karagdagang kaalaman para makatulong sa pag sa ayos ng init.

Alamin Ang Iyong Panganib

Ang matinding init ay nag lalagay ng maraming kapaguran sa iyong katawan at puwedeng nakakamatay. Tingnan kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay nasa mas mataas na panganib ng mga sakit na dulot ng init.

Maging Handa Sa Init

Icon para sa Palaisipan

Gumawa ng Plano

Tulad ng lindol, baha at iba pang seryosong mga kaganapan ng natural na panahon, ang pag plano ay makakatulong para ma protektahan ang iyong sarili at mga mahihinang miyembro ng pamilya.

Icon para sa Fan

Lumipat sa Mas Malamig Na Lugar

Maghanap ng cooling center, community center, pampubliko na aklatan, pamilihan, o iba pang air conditioned na gusali na puwedeng mag bigay ng ginhawa.

Simbolo para sa Heat Stroke

Alamin ang mga Babala
ng Sakit na Dulot ng Init

Mga sintomas ng heat stroke at pagkapagod sa init kabilang ang malakas na pagpapawis, muscle cramps, panghihina, sakit sa ulo, pagkahilo o pag duduwal, pagkapagod, o pagkahilo.

Tatlong Pangunahing Kaalaman Sa Init

1

Manatiling Presko

Umiwas na lumabas na direktang tinatamaan ng init sa loob ng mahabang oras. Subukan na manatili sa air-conditioned na lugar sa iyong tahanan na naka A/C sa pagitan ng 75-80, o sa iyong lokal na aklatan,pamilihan o community center. Kung nasa loob ng tahanan, panatilihing sarado ang mga blinds at mag suot ng mga damit na maluluwag, mapusyaw na kulay at magaan na damit.

2

Manatiling Hydrated

Humigop ng tubig buong araw at dagdagan ng sports drink. Umiwas sa caffeine at alak.

3

Alagaan Ang Isa’t isa

Tingnan ang iyong mga kaibigan at pamilya at ipaki usap na ganun din ang kanilang gawin para sa iyo.

Mga Kaalaman para sa Pagpaplano sa Matinding

Init Ang mga ahensiya at departamento ng Estado ng California ay nagtipon ng mga karagdagan na kaalaman at impomasyon para makatulong para manatiling ikaw ay ligtas, presko at konektado.

Manatiling may Alam

Manatiling Presko at Magtipid sa Pera

Manatiling mas Ligtas sa Matinding Araw

Mga Emerhensyang Kaalaman