Mas madaling naaapektohan ng heat stress ang mga matatanda dahil hindi sila agad nakaka-adjust sa biglaang pagbabago ng temperatura kumpara sa mga mas bata. Sila ay mas may pagkakataon na magkaroon ng chronic medical condition na nagbabago ng normal na reaksyon ng kanilang katawan sa init, o umiinom ng mga gamot na apektado ang kakayahan ng katawana na kontrolin ang temperatura o pawisan.
Ang pagkakalantad sa mataas na temperatura ay maaaring magdagdag ng panganib sa dehydration, pagkapagod sa init, at heat stroke. Ang mga sakit na ito na may kaugnayan sa init ay maaaring mapanganib o magdulot ng panganib sa buhay.
Sundin ang mga tip na ito upang maprotektahan ang iyong sarili at iba pang mga mas matatanda mula sa sakit ng init:
Tandaan ang mga sumusunod na kapaki-pakinabang na mga kaalaman
- Gumagamit ka ba ng mga medikal na kagamitan (respirators, power wheelchairs, dialysis machines, atbp.) na gumagamit ng baterya o kailangan ng kuryente? Ang brown out sa panahon ng matinding init ay maaaring magdulot ng banta sa iyong mobility at kalusugan. Magkaroon ng backup na plano. Ang FDA ay nag-aalok ng Home Use Devices Booklet: Paano Maghanda at Mag-Handle ng Brown Out para sa mga Kagamitang Medical na Nangangailangan ng Kuryente (PDF – 5.1MB).
- Kung hindi ka makapunta o makahanap ng air-conditioned na lugar, ito ay ilan sa mga magagawa mo sa bahay:
- Isara ang mga bintana, pinto, blinds, at kurtina upang hindi pumasok ang mainit na hangin at sikat ng araw sa pinakamainit na bahagi ng araw.
- Kung wala kang air conditioning, gawin ang mga karagdagang hakbang. Ang paggamit ng mga electric fan ay makakatulong na maibsan ang init, subalit ang mataas na temperatura nang walang kahalumigmigan ay maaaring hindi maging epektibo ang mga fan sa wastong pagpapapresko ng iyong katawan.
- Basain ang isang tuwalya ng malamig na tubig at ilagay ito sa likod ng iyong leeg. Ang mga damit na may matingkad na kulay, magaan, at maluwag na gawa sa natural na tela ay nakakatulong din.
- Mag-shower o magligo ng malamig na tubig upang mapababa ang temperatura ng katawan at magbigay ginhawa mula sa init.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Department of Aging.