Mga Palatandaan ng Sakit sa Init
Ano ang mga palatandaan ng sakit sa init at paano mo ito maiiwasan?
Sa panahon ng matinding init, maari ka makararamdam ng mga sintomas ng sakit sa init, at may ilang matagalang kondisyon sa kalusugan na puwede maging mas malala.
Manatiling ligtas dahil alam mo ang mga palatandaan
Heat Stroke
Isang kondisyon na nakakamatay ay nangyayari kapag hindi na makontrol ng katawan ang temperatura nito. Kasama sa mga sintomas ang lagnat na 103 derees. Para sa mas mataas na pagkalito o kaya pagkawala ng malay. Kapag ikaw ay nakakita ng tao na nakakaramas ng alin man sa mga palatandaan na ito, tumawag sa 911 kaagad.
Heat Exhaustion
Ang pag papawis ay nakakatulong sa iyong katawan para maging presko, pero ang pagod sa init ay puwede mangyari sa iyong katawan kung ikaw nawalan ng masyadong tubig at asin sa pamamagitan ng pawis. Kabilang sa mga sintomas nito ay sobrang pawis, panghihina, pagkahilo, pagduduwal at sakit ng ulo. Limitahan ang oras sa araw sa panahon ng matinding init. Mag pahinga at manatiling hydrated.
Heat Cramps
Ang matagalang pagkalantad sa init ay ay puwedeng mag dulot ng muscle cramps, lalo na sa mga binti, braso at tiyan. Iwasan ang maglaro o mag ehersisyo sa panahon ng matingding init. Magpahinga kapag pakiramdam mo na ikaw ay pagod at humigop ng tubig para mapunan ang enerhiya.
Problema sa Balat
Ang mga problema sa balat tulad ng sunburn, pantal sa init at pantal ay maaring mag resulta sa pagkakalantad sa matinding init. Mag suot ng sunscreen, sombrero, mga sunglass, at iba pang proteksyon sa araw kapag nasa labas.
Dehydration
Ang dehydration ay puwede magdulot ng sakit ng ulo, pagkapagod at pagkahilo. Manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag inom ng mas maraming tubig kaysa karaniwan sa isang buong araw, at lalo na sa panahon ng matinding init.
Mga Problema sa Paghinga
Ang matinding init ay maaring mag simula o magpalala ng matagalang kondisyon o problema sa paghinga tulad ng asthma o allergy. Be sure to check in with your doctor and have prescriptions/medications with you.Siguraduhin na mag check in sa iyong doktor para sa iyong reseta/gamot.