Ang mga chronic health conditions tulad ng sakit sa puso, kondisyon sa isip, diabetes, sakit sa kidney, mahinang sirkulasyon ng dugo, at labis na katabaan ay ang mga mapanganib na dahilan para sa mga sakit sa init. Ang mga taong may chronic health conditions ay may mas malaking kahinaan sa init dahil mas marami silang dahilan na nakaka-apekto sa pag-ayos ng temperatura ng kanilang katawan, tulad ng pag inom ng mga resetang gamot na nakaka-apekto sa katawan para makontrol ang temperatura o pawis.
Ilang mga komplikasyon sa kalusugan na maaaring resulta ng pagkakalantad sa matinding init kasama na ang*:
- Sakit sa puso: Ang matinding init ay maaring magdulot ng dagdag na panganib ng atake sa puso, lalo na sa mga taong may dati ng sakit sa puso.
- Sakit sa paghinga: Ang init ay maaaring magpalala ng kondisyon sa panghinga tulad ng asthma at chronic obstructive pulmonary disease (COPD), pati na rin ang pagtaas ng panganib ng mga impeksyon sa paghinga.
- Sakit sa bato: Ang init ay maaaring magdagdag ng stress sa mga kidneys, na mas mahirap para sa mga taong may sakit sa bato na i-filter ang mga basura at likido mula sa kanilang katawan.
- Diabetes: Ang mataas na temperatura ay mahirap para sa mga taong may diabetes na mag-regulate ng kanilang antas ng asukal sa dugo, na nagdudulot ng panganib ng mga komplikasyon tulad ng diabetic ketoacidosis.
- Mga kondisyon na neurological: Ang mga taong may mga kondisyong nuerological tulad ng multiple sclerosis (MS) at Parkinson’s disease ay maaaring mas sensitibo sa init at magkaroon ng mas masamang mga sintomas sa panahon ng mainit na panahon.
- Kondisyon sa kalusugan ng isip: Ang matinding init ay mas pinalalala ang mga sintomas ng ilang kondisyon sa kalusugan ng isip, tulad ng depresyon at pagkabalisa, kasama din ang dagdag na panganib na dala ng mga stress at pagod dahil sa init. Ipinapakita ng mga datos na ang init ay nag papabigat sa maraming sumpong at pagkabalisa na mga sakit, kasama na ang PTSD, at ini uugnay ang pagtaas ng mga emerhensyang pagbisita dahil sa kalusugan sa isip at antas ng pagpapatiwakal. Ipinapakita din ng mga datos na ang matinding init ay lalong tumatagal at lumalala, kaya mayroon itong epekto sa kalusugan ng isip. Kung kaya normal ang makaramdam ng dagdag na galit, lungkot, pagkapagod, at pagkabalisa sa panahon ng matinding init.
Ang mga tagapag-alaga at mga pamilya ng mga taong may chronic health conditions ay dapat mag-ingat para masiguro ang kanilang kaligtasan kapag mainit ang panahon.
Sundan ang mga kaalaman na ito upang matulungan na maprotektahan ang iyong sarili at iba pang may chronic health conditions mula sa sakit na dulot ng init:
Tandaan ang mga sumusunod na kapaki-pakinabang na mga kaalaman
- Gumagamit ka ba ng mga medikal na kagamitan (respirators, power wheelchairs, dialysis machines, atbp.) na gumagamit ng baterya o kailangan ng kuryente? Ang brown out sa panahon ng matinding init ay maaaring magdulot ng banta sa iyong mobility at kalusugan. Magkaroon ng backup na plano. Ang FDA ay nag-aalok ng Home Use Devices Booklet: Paano Maghanda at Mag-Handle ng Brown Out para sa mga Kagamitang Medical na Nangangailangan ng Kuryente (PDF – 5.1MB).
- Kung hindi ka makapunta o makahanap ng air-conditioned na lugar, ito ay ilan sa mga magagawa mo sa bahay:
- Isara ang mga bintana, pinto, blinds, at kurtina upang hindi pumasok ang mainit na hangin at sikat ng araw sa pinakamainit na bahagi ng araw.
- Kung wala kang air conditioning, gawin ang mga karagdagang hakbang. Ang paggamit ng mga electric fan ay makakatulong na maibsan ang init, subalit ang mataas na temperatura nang walang kahalumigmigan ay maaaring hindi maging epektibo ang mga fan sa wastong pagpapapresko ng iyong katawan.
- Basain ang isang tuwalya ng malamig na tubig at ilagay ito sa likod ng iyong leeg. Ang mga damit na may matingkad na kulay, magaan, at maluwag na gawa sa natural na tela ay nakakatulong din.
- Mag-shower o magligo ng malamig na tubig upang mapababa ang temperatura ng katawan at magbigay ginhawa mula sa init.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Department of Aging.